Mga pagsusuri at mga paggamot sa COVID-19

Publication date: October 7, 2024

Maaaring matukoy ng mga pagsusuri kung ikaw ay may COVID-19. Mayroong dalawang aprubadong gamot na makakatulong upang maiwasan ang malubhang pagkakasakit para sa mga may mas mataas na panganib mula sa COVID-19.

English | 繁體中文 简体中文 | Français | ਪੰਜਾਬੀ | فارسی  | Tagalog | 한국어 | Español | عربى | Tiếng Việt | 日本語 | हिंदी  Українська Русский

Para sa pinakabagong impormasyon, mangyaring bisitahin ang page sa wikang Ingles

Sa page na ito

Testing o pagsusuri para sa COVID-19 

Maaaring matukoy ng testing o pagsusuri kung mayroon kang COVID-19. Kung hindi ka sigurado sa iyong mga sintomas o kung dapat kang magpasuri para sa COVID-19, gamitin angCOVID-19 Self-Assessment tool (tool para sa sariling ebalwasyon kung mayroong COVID-19).  

Mga rapid antigen test 

Maaaring gamitin ang mga rapid test para masuri sa bahay ang  mga may sintomas ng COVID-19. 

Ang mga test kit ay makukuha nang libre sa mga botika sa maraming komunidad.

Maghanap ng mga rapid test kit 

Paano gamitin ang rapid antigen test sa bahay 

Ang bawat kit ay may kasamang tagubilin kung paano gamitin ang mga test. Maaari ka ring magtanong sa pharmacist kung mayroon kang katanungan.

Para sa higit pang impormasyon sa tungkol sa testing o pagsusuri para sa COVID-19, basahin ang page ng BCCDC tungkol sa Testing para sa COVID-19. 

Testing para sa pagbiyahe 

Hindi available sa pamamagita ng B.C. provincial health care system ang testing para sa COVID-19 bago bumiyahe. Maaari kang makakuha ng eksepsiyon kung kailangan mong bumiyahe para sa medikal na kadahilanan.  

Mga gamot para sa mga taong may COVID-19 

Mayroong dalawang therapeutic treatment o gamot na aprubado para sa COVID-19  kung mayroon kang mild (hindi malubha) o moderate (katamtaman) na sintomas ng COVID-19: 

  • Ang Paxlovid (Nirmatrelvir/ritonavir) ay isang set ng antiviral pills na maaaring inumin sa bahay
  • Dapat na ibigay ang Remdesivir sa pamamagitan ng pagturok sa vein (ugat) at kailangang pumunta sa isang clinic o ospital

Hindi pinipigilan ng mga gamot na ito ang pagkakaroon ng COVID-19. Ginagamit ito upang mapigilan ang pagkakaroon ng malubhang sakit sa mga taong mas mataas ang panganib mula sa COVID-19.

Para maging epektibo, dapat inumin ang Paxlovid sa loob ng 5 araw at ang remdesivir naman ay kailangang gamitin sa loob ng 7 araw mula nang magkaroon ng mga sintomas. Para maging ligtas, dapat na mayroong reseta ang mga gamot na ito galing sa isang health care provider. Maaaring hindi ka makakatanggap ng gamot na ito kung umiinom o tumatanggap ka na ng iba pang mga gamot.

Bisitahin ang website ng BCCDC para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga gamot para sa COVID-19.

Kanino maaaring makatulong ang mga gamot

Maaaring makatulong ang mga gamot kung mayroon kang mild (hindi malubha) o moderate (katamtaman) na sintomas na nagsimula sa nakaraang 5 araw at isang positibong resulta. Maaaring irekomenda ang Paxlovid kung ikaw ay:

 

May severe (malubha) o moderate (katamtaman) na may mahinang immune system (sistemang panlaban sa sakit) 

Halimbawa:

  • Sumailalim sa solid organ transplant
  • Sumailalim sa bone marrow o stem cell transplant
  • Tumatanggap ng paggamot para sa kanser
  • Malubha o hindi nagamot na HIV
  • Tumatanggap ng mga paggamot para sa mga autoimmune disease tulad ng multiple sclerosis
  • Tumatanggap ng mga moderate immunosuppresive agent (mga gamot na nagpapahina ng immune system)
  • Tumatanggap ng paggamot para sa hematological malignancy
 

60 taong gulang pataas na mayroong mga high-risk na kondisyon o karamdaman

Halimbawa:

  • End-stage kidney disease (huling yugto ng sakit sa bato) o sumasailalim sa dialysis
  • Severe (malubha) o end-stage (huling yugto) ng sakit sa baga tulad ng chronic obstructive pulmonary disease (COPD), hika, cystic fibrosis o ang mga gumagamit ng oxygen sa bahay
  • Mayroong diabetes na ginagamot gamit ang insulin
  • Mga neurological condition na kailangan ng tulong sa paghinga
  • Malubhang intelektwal o developmental na kapansanan
  • Bihirang sakit sa dugo o genetics tulad ng sickle cell disease

Paano makakuha ng gamot 

Kung nagpositibo ka sa COVID-19 at naniniwala kang makakatulong ang gamot sa iyo, makipag-ugnayan sa iyong family doctor, nurse practitioner o specialist sa lalong madaling panahon. Hindi magagarantiyang makakatanggap ka ng gamot. Hindi para sa lahat ang mga paggamot na Paxlovid at Remdesivir at dapat inireseta ito ng isang health care provider. Maaaring pagdesisyunan ng isang doktor o pharmacist sa anumang stage na hindi para sa iyo ang gamot.

Ang mga residente ng B.C. ay dapat naka-enroll sa Medical Services Plan (MSP) upang magkaroon ng PharmaCare coverage para sa Paxlovid. Mayroong karagdagang impormasyon tungkol sa Paxlovid para sa mga residente ng B.C.

Wala akong family doctor

Kung wala kang family doctor, nurse practitioner o espesyalista, o hindi makakuha ng appointment sa loob ng 3 araw mula magsimula ang mga sintomas, maaari kang mag-request ng paggamot sa pamamagitan ng Service BC. 

Mayroong 4 na hakbang ang proseso ng request. Dapat kumpletuhin mo ang bawat hakbang. Basahin nang mabuti ang mga instruksiyon at tiyakin na mayroon kang lahat ng kinakailangang impormasyon.

 

Hakbang 1: Online self-assessment

Tinatayang tatagal nang: 15 minuto


Upang mag-request ng gamot, dapat mo munang kumpletuhin ang isang self-assessment questionnaire (talatanungan para sa sariling ebalwasyon).

Sagutan ang iyong self-assessment

 

Hakbang 2: Tawag para sa kumpirmasyon

Tinatayang tatagal nang: 15 minuto


Kung ipinapakita ng iyong self-assessment na maaaring makatulong sa iyo ang gamot, patatawagin ka sa Service BC. Sa tawag na ito, ang agent sa kabilang linya ay:

  • Hihilingin sa iyong ulitin mo ang iyong mga sagot
  • Kukumpirmahin na natutugunan mo ang criteria
  • Kukuha ng higit pang impormasyon upang ipadala sa health care team

Kailangan mo ng:

  • Iyong Personal Health Number (PHN)
  • Numero ng telepono kung saan maaari kang tumanggap ng tawag

Pagkatapos nito ay sasabihin ng agent kung ano ang iyong mga susunod na hakbang. Kung mayroon kang mga medical na tanong, hindi sinanay ang mga agent para sagutin ang mga ito. Dapat na maghintay ka para tanungin mo ito sa medical team sa panahon ng iyong clinical assessment.

 

Hakbang 3: Clinical assessment

Tinatayang tatagal nang: sa loob ng 3 araw mula simula ang proseso


Makakatanggap ka ng tawag mula sa isang health care provider sa pagitan ng 9 am hanggang 9 pm. Gagawin nila ang mga sumusunod:

  • Susuriin ang iyong mga gamot at impormasyong pangkalusugan
  • Magbibigay ng higit pang impormasyon tungkol sa paggamot gamit ang Paxlovid at Remdesivir

Dapat na handa kang makipag-usap tungkol sa:

  • Kung anong mga gamot at supplement ang kasalukuyan mong iniinom
  • Anumang medikal na kondisyong mayroon ka
  • Anumang medikal na procedure na kamakailang isinagawa
  • Anumang mga allergy na mayroon ka

Pagdedesisyunan ng medical team kung ligtas ba para sa iyong makatanggap ng gamot. 

 

Hakbang 4: Kuhanin ang gamot

Tinatayang tatagal nang: sa loob ng 5 araw mula simula ang proseso


Kung binigyan ka ng reseta para sa Paxlovid, makakatanggap ka ng instruksiyon para makuha ang iyong supply ng gamot.

Kung binigyan ka ng reseta para sa Remdesivir, ididirekta ka sa isang lokal na health care facility upang matanggap ang gamot sa pamamagitan ng infusion.

 

Anong dapat gawin habang naghihintay

Habang naghihintay ng desisyon tungkol sa iyong gamot, basahin ang patnubay ng BCCDC tungkol sa pamamahala ng mga sintomas ng COVID-19 sa bahay.

Kung magkaroon ka ng malubhang sintomas, dapat na kaagad:

  • Tumawag sa 911
    o
  • Pumunta sa isang urgent care clinic o emergency department

Impormasyon para sa mga hindi makakatanggap ng reseta para sa gamot

Kung pinayuhan ka na hindi nararapat para sa iyo gamot na Paxlovid o Remdesivir, dapat mong:

Kasalukuyang naghahanap ng mga pasyente sa B.C. ang isang non-profit research study. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang website ng CanTreatCOVID. 

Kailangan ko ng tulong

Tumawag: 1-888-268-4319  Mayroong mga tagasalin

Mga gamot: Kung kailangan mo ng tulong para masagutan ang self-assessment o mayroong mga tanong tungkol sa mga gamot, pindutin ang number 1 | Araw-araw buong linggo

Pangkalahatang impormasyon: Araw-araw, buong lingo: 7 am hanggang 7 pm (Lunes, Nobyembre 11: 9 am – 5 pm)