Mga wastong gawi para manatiling malusog sa panahon ng mga respiratoryong sakit

Publication date: December 17, 2024

Magsagawa ng mga wastong gawi para manatiling malusog sa panahon ng mga respiratoryong sakit upang maprotektahan ang iyong sarili, iyong komunidad at ang health care system ng B.C.

English繁體中文 | 简体中文 | Français | ਪੰਜਾਬੀ | فارسی | Tagalog | 한국어 | Español | عربى  | Tiếng Việt | 日本語 | हिंदी | Українська | Русский

Sa page na ito

Magsagawa ng mga wastong gawi para manatiling malusog

Sundin ang mga sumusunod na wastong gawi para maging malusog upang maprotektahan ang iyong sarili at ang mga nakapaligid sayo laban sa mga sakit ngayong napapanahon ang mga respiratoryong sakit.

Pagbabakuna 

Mahalagang makatanggap ng mga pinakabagong bakuna para sa iyo at sa iyong pamilya. Sabay na magpabakuna laban sa trangkaso at COVID-19

Mga wastong gawi kapag napapanahon ang mga respiratoryong sakit 

Kahit hindi masama ang iyong pakiramdam, tandaan na: 

  • Madalas na maghugas ng mga kamay gamit ang sabon at maligamgam na tubig. Maghugas nang hindi bababa sa 20 segundo o gumamit ng hand rub na alcohol-based 
  • Takpan ang iyong bibig kapag bumabahing o umuubo. Bumahing o umubo sa iyong siko sa halip ng iyong mga kamay

Kung masama ang iyong pakiramdam 

  • ​Subaybayan ang iyong mga sintomas 
  • Manatili sa bahay. Maaaring mahawa ang ibang tao, lalo na kung mayroon kang lagnat, ubo, nagsusuka, o diarrhea (pagtatae) 
  • Kung mayroon kang COVID-19, manatili sa bahay hanggang mawala ang iyong lagnat at hanggang bumuti ang iyong pakiramdam at nakakabalik sa mga pang-araw-araw na gawain 
  • Umiwas sa mga tao na may mas mataas na panganib na magkaroon ng malubhang sakit 
  • Kung kailangan mong lumabas sa iyong tahanan, ikonsidera na magsuot ng mask, lalo na kapag pupunta sa mga indoor o nasa loob na lugar

Magkasabay na mag-book para sa iyong pagbabakuna laban sa trangkaso (influenza) at COVID-19

Nakakatulong ang pagbabakuna para maprotektahan ang iyong sarili, iyong komunidad, at ang health care system ng B.C. ngayong panahon ng mga respiratoryong sakit. 

Maaaring sabay na makapagpabakuna laban sa trangkaso (influenza o flu) at updated na bakuna laban sa COVID-19 ang lahat ng indibidwal na 6 na buwang gulang pataas. Naipadala na ngayon ang mga imbitasyon sa lahat ng nakarehistro sa Get Vaccinated system sa pamamagitan ng email o text. Kasama sa imbitasyong ito ang isang direktang link para makapag-book ng appointment upang makapagpabakuna kontra COVID-19, trangkaso, o magpabakuna para sa parehong kondisyon, depende kung kailan mo natanggap ang iyong huling dose.

Ang mga bakuna ay libre at makukuha ito sa mga botika, health authority clinic at sa mga tanggapan ng ilang primary-care provider. 

Kung hindi ka tumanggap ng bakuna laban sa COVID-19 dito sa B.C.

Magrehistro sa Get Vaccinated system upang matanggap ang iyong imbitasyon para makapag-book ng appointment.

Maaari kang makapag-book para sa pagbabakuna laban sa COVID-19 at trangkaso sa pamamagitan ng Get Vaccinated system.

Kung kailangan mo ng tulong para magpa-iskedyul ng iyong mga bakuna  

Tumawag sa: 1-833-838-2323

Lunes hanggang Biyernes, 7 am hanggang 7 pm. (sarado sa: Disyembre 25, Disyembre 26 at Enero 1)

Resources tungkol sa mga respiratoryong sakit

Mayroon akong mga tanong 

Makipag-usap sa telepono. Makakakuha ng suporta sa mahigit 220 wika, kabilang ang mga sumusunod:

國粵語 | ਪੰਜਾਬੀ | عربى | Français | Español

Lunes hanggang Biyernes, 7 am hanggang 7 pm. (sarado sa: Disyembre 25, Disyembre 26 at Enero 1)

Mga bakuna

Tumawag sa call centre kung mayroong mga tanong tungkol sa iyong mga opsiyon para sa pagbabakuna kontra COVID-19 at trangkaso, at kung kailangan mo ng tulong para sa pag-book ng isang appointment. 

Tumawag sa: 1-833-838-2323 

Impormasyon tungkol sa COVID-19 at trangkaso

Makipag-ugnayan sa isang Service BC agent tungkol sa iba pang mga tanong kaugnay sa COVID-19 o trangkaso.

Tumawag sa: 1-888-268-4319

Mag-text: 1-604-630-0300 7:30 am hanggang 5 pm

Mula sa labas ng Canada at USA: 1-604-681-4261