Hindi mo kailangan ng katibayan ng pagbabakuna sa COVID-19 para makapunta sa mga negosyo, events o serbisyo sa B.C. Maaaring kailangan mo ng katibayan ng pagbabakuna para sa pagbiyahe sa ibang bansa.
English | 繁體中文 | 简体中文 | Français | ਪੰਜਾਬੀ | فارسی | Tagalog | 한국어 | Español | عربى | Tiếng Việt | 日本語 | हिंदी | Українська | Русский
Para sa pinakabagong impormasyon, mangyaring bisitahin ang page sa wikang Ingles.
Walang restriksiyon sa buong province na kaugnay sa COVID-19.
Hindi nire-require ng public health ang pagsusuot ng mask sa mga pampublikong indoor na lugar. Personal na desisyon ang pagsusuot ng mask.
Mayroong karagdagang impormasyon tungkol sa pagsusuot ng mga mask sa website ng BC Centre for Disease Control.
Hinihikayat ang mga indibidwal na magpatuloy na magsuot ng mga mask sa mga health care settings at magsagawa ng mga wastong gawi para maging malusog, kabilang ang:
Dapat ipagpatuloy ng mga health care worker na magsuot ng angkop na personal protective equipment, kabilang ang mga mask o respirator, kapag nire-require ang karagdagang pag-iingat at alinsunod sa kanilang mga point-of-care risk assessment (ebalwasyon ng panganib bago magsagawa ng interaksiyon sa pasyente).
Hinihikayat ang pagsusuot ng mga mask, ngunit hindi ito required, kapag bumabiyahe sa himpapawid, sa pamamagitan ng tren, pampublikong transportasyon o BC Ferries.
Maaaring patuloy na piliin ng mga indibidwal na negosyo at mga event organizer na mag-require ng pagsusuot ng mask sa kanilang mga lugar. Mahalagang irespeto natin ang mga desisyon ng ibang indibidwal at mga negosyo.
Hindi mo na kailangan ng katibayan ng bakuna para:
Madalas na nagbabago ang mga regulasyon sa paglalakbay. Basahin ang pederal na patnubay sa pagbiyahe bago umalis.
Maaaring kailangan mong magpakita ng katibayan ng pagbabakuna para makapunta sa ibang bansa. Basahin ang mga kailangan sa pagpunta sa ibang bansa bago ka bumiyahe.
Dapat na updated ang iyong mga bakuna.
Hindi na kailangang mag-check ng katibayan ng bakuna sa mga kaganapan, mga serbisyo at mga negosyo sa B.C.
Makipag-usap sa telepono. Makakakuha ng suporta sa mahigit 220 wika, kabilang ang mga sumusunod:
國粵語 | ਪੰਜਾਬੀ | عربى | Français | Español
Lunes hanggang Biyernes, 7 am hanggang 7 pm. Mga statutory holiday, 9 am hanggang 5 pm.
Tumawag sa call centre kung mayroong mga tanong tungkol sa iyong mga opsiyon para sa pagbabakuna kontra COVID-19 at trangkaso, at kung kailangan mo ng tulong para sa pag-book ng isang appointment.
Mag-text: 1-604-630-0300 7:30 am hanggang 5 pm
Mula sa labas ng Canada at USA: 1-604-681-4261