Mga wastong gawi para maiwasan ang mga respiratoryong sakit

Publication date: March 28, 2025

Tapos na ang respiratory illness season para sa 2024-25. Papadalhan ka ng notipikasyon sa pamamagitan ng Get Vaccinated system kapag kwalipikado ka nang mag-book para sa iyong susunod na appointment. 

English繁體中文 | 简体中文 | Français | ਪੰਜਾਬੀ | فارسی | Tagalog | 한국어 | Español | عربى  | Tiếng Việt | 日本語 | हिंदी | Українська | Русский

Sa page na ito

Magsagawa ng mga wastong gawi para manatiling malusog

Sundin ang mga sumusunod na wastong gawi para maging malusog upang maprotektahan ang iyong sarili at ang mga nakapaligid sayo laban sa mga sakit ngayong napapanahon ang mga respiratoryong sakit.

Pagbabakuna 

Mahalagang kumuha ng mga pinakabagong bakuna para maprotektahan ka at iyong pamilya. 

Mga wastong gawi para maiwasan ang mga respiratoryong sakit 

Kahit hindi masama ang iyong pakiramdam, tandaan na: 

  • Madalas na maghugas ng mga kamay gamit ang sabon at maligamgam na tubig. Maghugas nang hindi bababa sa 20 segundo o gumamit ng hand rub na alcohol-based 
  • Takpan ang iyong bibig kapag bumabahing o umuubo. Bumahing o umubo sa iyong siko sa halip ng iyong mga kamay

Kung masama ang iyong pakiramdam 

  • ​Subaybayan ang iyong mga sintomas 
  • Manatili sa bahay. Maaaring mahawa ang ibang tao, lalo na kung mayroon kang lagnat, ubo, nagsusuka, o diarrhea (pagtatae) 
  • Kung mayroon kang COVID-19, manatili sa bahay hanggang mawala ang iyong lagnat at hanggang bumuti ang iyong pakiramdam at nakakabalik sa mga pang-araw-araw na gawain 
  • Umiwas sa mga tao na may mas mataas na panganib na magkaroon ng malubhang sakit 
  • Kung kailangan mong lumabas sa iyong tahanan, ikonsidera na magsuot ng mask, lalo na kapag pupunta sa mga indoor o nasa loob na lugar

Kwalipikasyon para sa bakuna laban sa COVID-19 ngayong spring 

Nakatuon ang COVID-19 spring program ng B.C. sa pagbibigay ng mga bakuna sa mga indibidwal na mayroong pinakamataas na panganib na magkaroon ng sakit ko kumplikasyon na dulot ng COVID-19. 

Kung hindi ka bahagi ng mga grupong may panganib na magkaroon ng malubhang sakit at mayroong mga tanong tungkol sa iyong kwalipikasyon para sa bakuna ngayong spring, konsultahin ang iyong health care provider o tumawag sa iyong lokal na botika o sa call centre

Kung kailangan mo ng tulong para magpa-iskedyul ng iyong mga bakuna  

Tumawag sa: 1-833-838-2323

Lunes hanggang Biyernes, 7 am hanggang 7 pm. Mga statutory holiday, 9 am hanggang 5 pm | Mayroong mga tagasalin 

Impormasyon tungkol sa mga respiratoryong sakit 

Mayroon akong mga tanong 

Makipag-usap sa telepono. Makakakuha ng suporta sa mahigit 220 wika, kabilang ang mga sumusunod:

國粵語 | ਪੰਜਾਬੀ | عربى | Français | Español

Lunes hanggang Biyernes, 7 am hanggang 7 pm. Mga statutory holiday, 9 am hanggang 5 pm | Mayroong mga tagasalin 

Mga bakuna

Tumawag sa call centre kung mayroong mga tanong tungkol sa iyong mga opsiyon para sa pagbabakuna kontra COVID-19 at trangkaso, at kung kailangan mo ng tulong para sa pag-book ng isang appointment. 

Tumawag sa: 1-833-838-2323 

Impormasyon tungkol sa COVID-19 at trangkaso

Makipag-ugnayan sa isang Service BC agent tungkol sa iba pang mga tanong kaugnay sa COVID-19 o trangkaso.

Tumawag sa: 1-888-268-4319

Mag-text: 1-604-630-0300 7:30 am hanggang 5 pm

Mula sa labas ng Canada at USA: 1-604-681-4261