Patnubay kaugnay sa COVID-19 sa B.C.

Publication date: October 7, 2024

Hindi mo kailangan ng katibayan ng pagbabakuna para makapunta sa mga negosyo, events o serbisyo sa B.C. Maaaring kailangan mo ng katibayan ng pagbabakuna para sa pagbiyahe sa ibang bansa.

English繁體中文 | 简体中文 | Français | ਪੰਜਾਬੀ | فارسی  | Tagalog | 한국어 | Español | عربى  | Tiếng Việt | 日本語 | हिंदी  | Українська Русский

Para sa pinakabagong impormasyon, mangyaring bisitahin ang page sa wikang Ingles.

 Sa page na ito 


Mga paghihigpit sa buong lalawigan

Walang restriksiyon sa buong province na kaugnay sa COVID-19 para sa pagbiyahe, pagtitipon, mga event at pagbisita sa mga pasilidad ng long-term care at assisted living para sa mga senior.

Pagsusuot ng mga mask

Hindi nire-require ng public health ang pagsusuot ng mask  sa mga pampublikong indoor na lugar. Personal na desisyon ang pagsusuot ng mask.

Mayroong karagdagang impormasyon tungkol sa pagsusuot ng mga mask sa website ng BC Centre for Disease Control.

Pagbiyahe

Ang pagsusuot ng mga mask ay hinihikayat, ngunit hindi required, kapag bumabiyahe sa himpapawid, sa pamamagitan ng tren, pampublikong transportasyon o BC Ferries.

Mga negosyo

Maaaring patuloy na piliin ng mga indibidwal na negosyo at event organizer na mag-require ng pagsusuot ng mask sa kanilang mga lugar. Mahalaga na irespeto natin ang mga desisyon ng ibang indibidwal at mga negosyo.

Hindi na kailangan ng katibayan ng bakuna para sa pagbiyahe sa Canada

Hindi mo na kailangan ng katibayan ng bakuna para:

  • Makapasok ng Canada
  • Bumiyahe sa loob ng Canada sa pamamagitan ng eroplano o tren
  • Mag-board ng flight papunta sa ibang bansa mula sa isang airport sa Canada

Madalas na nagbabago ang mga regulasyon sa paglalakbay. Basahin ang pederal na patnubay sa pagbiyahe bago umalis.

Maaaring kailangan mo ng katibayan ng bakuna sa labas ng Canada

Maaaring kailangan mong magpakita ng katibayan ng pagbabakuna para makapunta sa ibang bansa.  Basahin ang mga kailangan sa pagpunta sa ibang bansa bago ka bumiyahe.

Dapat na updated ang iyong mga bakuna.

Kumuha ng katibayan ng bakuna sa COVID-19 ng Canada

Maaaring hindi gumana nang maayos ang mga QR code ng katibayan ng bakuna na na-download nang higit sa nakaraang 6 na buwan. Mag-download ng bagong kopya ng iyong katibayan ng bakuna upang matiyak na may-bisa ang iyong QR code.

Ang iyong Canadian COVID-19 proof of vaccination ay makikita sa Health Gateway. Maaari mong i-download ang katibayan ng bakuna para sa iyo at iyong pamilya, kabilang ang mga batang 12 taong gulang pababa

Kumuha ng katibayan ng bakuna  Makukuha nang libre ang katibayan ng bakuna. Kung pinagbabayad ka para dito, iyon ay isang scam.

Paggamit ng iyong Canadian Canadian COVID-19 proof of vaccination

Kapag ipinapakita mo ang iyong katibayan ng bakuna, kailangan mo rin ng isang may bisang government ID na may litrato. 

Dapat na pareho ang pangalan sa iyong ID at iyong katibayan ng bakuna.

Kung hindi mo ma-access o ma-download ang iyong katibayan ng bakuna, alamin kung paano makakuha ng tulong.

Impormasyon para sa mga negosyo

Hindi na kailangang mag-check ng katibayan ng bakuna sa mga kaganapan, mga serbisyo at mga negosyo sa B.C.

Kung gusto mo, maaaring piliin ng iyong negosyo na magpatuloy sa pag-require ng katibayan ng bakuna. Kung nagdesisyon kang mag-require ng katibayan ng bakuna, dapat makatwiran mo itong isagawa at sundin ang mga kaugnay na batas.

Kailangan ko ng tulong 

Makipag-usap sa telepono. Makakakuha ng suporta sa mahigit 220 wika, kabilang ang mga sumusunod:

國粵語 | ਪੰਜਾਬੀ | عربى | Français | Español

Araw-araw, buong linggo: 7 am hanggang 7 pm (Lunes, Nobyembre 11: 9 am hanggang 5 pm)

Pagbabakuna

Tumawag sa call centre kung mayroong mga tanong tungkol sa iyong mga opsiyon para sa pagbabakuna kontra COVID-19 at trangkaso, at kung kailangan mo ng tulong para sa pag-book ng isang appointment.

Tumawag sa: 1-833-838-2323 

Impormasyon tungkol sa COVID-19

Tumawag sa: 1-888-268-4319

Mag-text: 1-604-630-0300 7:30 am hanggang 5 pm

Mula sa labas ng Canada at USA: 1-604-681-4261