Ngayong respiratory illness season, tulungang protektahan ang iyong sarili at iyong komunidad sa pamamagitan ng pagkuha ng mga pinakabagong bakuna laban sa trangkaso at COVID-19.
English | 繁體中文 | 简体中文 | Français | ਪੰਜਾਬੀ | فارسی | Tagalog | 한국어 | Español | عربى | Tiếng Việt | 日本語 | हिंदी | Українська | Русский
Para sa pinakabagong impormasyon, mangyaring bisitahin ang page sa wikang Ingles.
Ang pagbabakuna ang pinakaepektibong paraan upang manatiling ligtas ngayong panahon ng mga respiratoryong sakit.
Simula Oktubre 2024, makukuha na sa B.C. ang mga pinakabagong bakuna laban sa trangkaso (flu) at COVID-19 na nakakapagbigay ng mas mahusay na proteksiyon laban sa mga pinakabagong strain ng virus.
Ang lahat ng indibidwal na 6 na buwang gulang pataas ay maaaring sabay na makatanggap ng libreng updated na bakuna laban sa trangkaso (flu) at COVID-19. Inirerekomenda ng patnubay mula sa National Advisory Committee on Immunizations na kumuha ng pinakabagong bakuna ang mga may mataas na panganib (high-risk) na magkaroon ng impeksiyon at malubhang sakit. Kabilang dito ang mga indibidwal na nasa o mula sa mga komunidad ng First Nations at mga indibidwal na Métis at Inuit na naninirahan sa B.C.
Naipadala na ang mga notipikasyon para makapag-book ng updated na bakuna laban sa trangkaso at COVID-19 sa mga indibidwal na nakarehistro sa Get Vaccinated system. Kung hindi mo natanggap ang iyong notipikasyon o may katanungan tungkol sa iyong bakuna laban sa trangkaso (flu) o COVID-19, tumawag sa call centre.
Kung nakatanggap ka dose ng bakuna laban sa COVID-19 sa B.C., nakarehistro ka na sa Get Vaccinated system. Isang beses mo lamang kailangang magparehistro. Magpapadala kami ng email o SMS text kapag panahon na para mag-book ng iyong susunod na appointment.
Makukuha ang mga bakunang ito sa mga public health unit, mga tanggapan ng mga doktor o nurse practitioner, at mga botika sa iba’t ibang bahagi ng province. Ang mga indibidwal na naninirahan sa mga komunidad ng First Nations ay maaaring makipag-ugnayan sa kanilang community health centre o nursing station para mag-book ng appointment o alamin ang lokasyon ng mga klinika.
Kung kailangan, madaling ipa-reschedule o kanselahin ang iyong appointment online.
Kung hindi mo mahanap ang iyong booking link, maaari kang kumuha ng bago.
Tumawag sa call centre kung mayroon kang mga tanong tungkol sa pag-book ng mga appointment para sa iyong pamilya.
Magrehistro sa Get Vaccinated system upang matanggap ang notipikasyon para makapag-book ng appointment at panatilihing updated ang iyong pagbabakuna laban sa trangkaso at COVID-19.
Maaari kang magparehistro para sa iyong sarili o para sa ibang tao, tulad ng iyong magulang, lolo't lola o anak. Hindi namin kailanman hihingiin ang iyong Social Insurance Number, driver’s licence number o mga detalye sa pagbabangko at credit card.
Pinakamabilis na opsiyon: online
Upang magrehistro online, dapat mong ibigay ang:
Hanapin ang iyong PHN sa likod ng iyong lisensya sa pagmamaneho sa B.C., BC Services Card (Card para sa Serbisyo sa BC) o CareCard.
Magrehistro online Tatagal lamang ito ng 2 minuto.
Iba pang mga opsiyon sa pagpaparehistro at pag-book ng appointment
Sa pamamagitan ng pagtawag – Piliin ang opsiyon na ito kung wala kang PHN
Kung wala kang Personal Health Number (PHN), kailangan mong magrehistro sa pamamagitan ng pagtawag. Gagawan ka ng PHN.
Tumawag sa: 1-833-838-2323 | Lunes hanggang Biyernes, 7 am hanggang 7 pm. (sarado sa: Disyembre 25, Disyembre 26 at Enero 1) | Mayroong mga tagasalin
Mula sa labas ng Canada at USA: 1-604-681-4261
Sa isang tanggapan ng Service BC
Maaari kang magparehistro nang personal sa lahat ng tanggapan ng Service BC.
Iba-iba ang mga oras ng opisina ayon sa lokasyon. Alamin muna ito bago pumunta.
Maaaring mabakunahan ang lahat, kahit na wala kang isang PHN o iba pang dokumentasyon. Hindi mahalaga kung ikaw ay isang mamamayan ng Canada.
Ang lahat ng iyong impormasyon ay pananatilihing pribado at hindi ibabahagi sa ibang mga ahensiya o bahagi ng pamahalaan.
Pagkatapos mong magrehistro sa Get Vaccinated system, magpapadala kami sa iyo ng isang notipikasyon. Gamitin ang link sa notipikasyon para mag-book ng iyong appointment para sa bakuna online o sa pamamagitan ng pagtawag.
Mga bakunang makukuha sa B.C.
Nagsasagawa ang Health Canada ng isang masinsinang proseso ng pag-apruba para matiyak na ligtas ang tinatanggap nating mga bakuna at gamot. Ang mga updated na bakunang mRNA na mayroong mas mahusay na proteksiyon laban sa mga pinakabagong variant ng COVID-19 ay maaaring matanggap ng mga indibidwal na 6 na buwang gulang pataas.
Basahin ang impormasyon tungkol sa mga pinakabagong aprubadong bakuna sa Canada.
Gusto kong kumuha ng bakunang hindi mRNA
Kasalukuyang hindi available ang bakunang hindi mRNA laban sa COVID-19.
Kung hindi ka maaaring tumanggap ng bakunang mRNA kontra COVID-19, makipag-ugnayan sa iyong health care provider tungkol sa ibang opsiyon sa paggamot kung magkaroon ka ng COVID-19.
Mga bakuna para sa mga maliliit na bata at kabataan
Ang mga bakuna sa COVID-19 ay mahalagang bahagi ng regular na iskedyul ng pagbabakuna ng iyong mga anak.
Maaaring mapabakunahan laban sa COVID-19 ang iyong anak kasabay ang ibang mga bakuna para sa mga bata, kabilang ang bakuna laban sa trangkaso (influenza). Kung marami kang anak, kailangan ng bawat isa ng appointment.
Planuhin na magtatagal nang 15 hanggang 30 minuto sa iyong appointment kasama ang iyong anak.
Ibigay ang pahintulot (consent) sa appointment ng pagbabakuna
Kailangan ng pahintulot para sa mga bata upang makakuha ng bakuna sa COVID-19. Hihingiin sa iyo na magbigay ng pahintulot sa panahon ng appointment.
Ang pahintulot para sa isang bata ay maaaring ibigay ng isang:
Isang magulang, legal na tagapangalaga o foster parent lamang ang kinakailangan upang magbigay ng pahintulot.
Nagkaroon na ako ng COVID-19
Kahit na nagkaroon ka na ng COVID-19 at gumaling dito, kailangan mo pa ring magpabakuna.
Kung kamaikailan ka lamang nagkasakit, makakapagpabakuna ka kapag nawala na ang iyong mga sintomas.
Kung mayroon kang appointment pero may mga sintomas pa rin, magpa-reschedule hanggang magaling ka na.
Iba pang mga konsiderasyon
Karamihan sa mga kwalipikadong indibidwal ay ligtas na mababakunahan laban sa COVID-19, subalit ang iilang indibidwal na mayroong matinding allergy sa ilang sangkap ng bakuna ay kailangang makipag-ugnayan sa kanilang health care provider para sa kanilang mga opsiyon.
Bisitahin ang page ng BC Centre for Disease Control tungkol sa mga konsiderasyon sa bakuna para sa karagdagang impormasyon.
Basahin sa website ng HealthLink BC ang impormasyon kung paano protektahan ang iyong sarili, iyong pamilya at iyong komunidad laban sa COVID-19.
Ang lahat ng kwalipikadong residente ng B.C. na 6 na buwang gulang pataas ay maaaring makatanggap ng bakuna laban sa trangkaso sa fall at winter.
Basahin muli ang mga dapat ihanda para sa appointment ng iyong bakuna at alamin ang patnubay sa pangangalaga pagkatapos ng pagbabakuna.
Dumating nang handa
Maghanda para sa iyong appointment:
Habang nasa appointment
Sa botika o klinika:
Pagkatapos ng iyong appointment
Basahin ang mga instruksiyon pagkatapos magpagpabakuna mula sa British Columbia Centre for Disease Control.
Kapag nabakunahan ka na, ang iyong impormasyon ay ilalagay sa electronic Provincial Immunization Registry. Maaari mong ma-access ang iyong rekord ng pagbabakuna online o humingi ng naka-print na kopya sa pamamagitan ng pagtawag o pagpunta sa tanggapan ng Service BC.
Online:
Magrehistro sa Health Gateway upang makita o i-update ang iyong talaan ng pagbabakuna at i-download ang iyong mga dokumento ng katibayan ng pagbabakuna.
Kailangan mo ng BC services card para magparehistro.
Sa pamamagitan ng pagtawag:
Tumawag sa 1-833-838-2323 upang mag-request ng ipapadalang kopya ng iyong immunization record.
Sa pamamagitan ng pagpunta sa tanggapan ng Service BC:
Maaari kang makakuha ng naka-print na kopya ng iyong immunization record sa lahat ng tanggapan ng Service BC.
Kung hindi makita ang iyong immunization records sa Health Gateway, maaari itong idagdag sa electronic Provincial Immunization Registry.
Wala akong PHN
Ang bawat residente ng B.C. na naka-enroll sa Medical Services Plan ay binibigyan ng isang natatanging lifetime identifier para sa health care na tinatawag na Personal Health Number (PHN). Ang iyong PHN ay maaaring mahanap sa iyong BC Services Card.
Kung tama ang inilagay mong PHN ngunit nakakaranas ng problema sa pag-log in, mangyaring tumawag sa call centre sa 1-833-838-2323 para makakuha ng tulong.
Hindi ako residente ng B.C.
Ang mga hindi residente ng B.C. ay maaaring tumawag sa provincial call centre sa 1-833-838-2323 para mag-book ng appointment.
Karagdagang impormasyon tungkol sa COVID-19 sa B.C.
Mayroong impormasyon tungkol sa testing, paggamot, patnubay at iba pa.
Tumawag sa call centre kung mayroon kang mga tanong tunkol sa iyong mga opsiyon sa pagbabakuna at kailangan ng tulong sa pag-book ng appointment. Makipag-ugnayan sa iyong health care provider kung mayroon kang mga tanong tungkol sa kung kailan ka dapat magpabakuna.
Lunes hanggang Biyernes, 7 am hanggang 7 pm. (sarado sa: Disyembre 25, Disyembre 26 at Enero 1) | Mayroong mga tagasalin
Mula sa labas ng Canada at USA: 1-604-681-4261