Magbigay ng katugunan sa kadaliang maka-akses

Last updated on November 30, 2023

Tulungan kaming maunawaan ang mga hadlang na kinakaharap ng mga tao kapag ina-akses ang aming mga serbisyo.

Mga paraan upang magbigay ng katugunan

Tiyaking isama kung:

  • Ano ang sinusubukan mong i-akses
  • Saan nangyari ang hadlang at kung ano ang hadlang
  • Anumang mga rekomendasyon na maaaring mayroon ka

Online na pormularyo

Maaari kang magsumite ng iyong katugunan sa INGLES gamit ang online na pormularyo. Maaari mong isama ang mga file sa iyong wika upang makatulong na ipaliwanag ang hadlang na kinakaharap mo sa pormularyo, tulad ng:

  • Isang video
  • Isang pag-rekord ng boses
  • Mga larawan

Kung ang American Sign Language (ASL) ay ang pinakamahusay na paraan para sa iyo na makipag-usap, maaari kang mag-upload ng video ng iyong sarili gamit ang ASL sa pormularyo.

Kumpletuhin ang pormularyo


Sa pamamagitan ng pagtawag

Tumawag sa Service BC nang walang bayad (toll free): 1-800-663-7867

Maaari kang tulungan ng Service BC na sagutan ang form (Available: Lunes – Biyernes, 7:30am hanggang 5pm)

  • Kung gusto mo ng tagasalin, mangyaring sabihin kung anong wika ang iyong ginagamit

Gumagana ang Video Relay Services (VRS) sa aming numero ng telepono para sa mga deaf, may kahirapan sa pandinig o mga indibidwal na may kapansanan o kahirapan sa pagsasalita.

Telephone Device for the Deaf (TDD) 711


Email

accessibility@gov.bc.ca


Koreo

Accessibility Directorate
Ministry of Social Development and Poverty Reduction
PO Box 9922 Stn Prov Govt
Victoria, B.C. V8W 9R1


Mga Katanungan na madalas itanong


Bakit kami humihingi ng katugunan para sa kadaliang maka-akses?

Sinabi sa amin ng mga taong may kapansanan na ang mga hadlang ay nagpapahirap na makaranas ng ganap at pantay na pakikilahok sa lipunan.  

Kailangan naming maunawaan ang mga partikular na hadlang na kinakaharap ng mga tao upang alisin ang mga ito.

Humihingi kami ng katugunan sa mga programa at mga serbisyo ng pamahalaan upang mapahusay ang kadaliang maka-akses.


Ano ang gagawin sa aking katugunan?

Ang Pangasiwaan ng Kakayahang Maka-akses (Accessibility Directorate) ang unang makakabasa ng iyong katugunan. Ibabahagi nila ito sa lugar ng serbisyo na nagkaroon ka ng problema sa pag-akses.

Ang iyong katugunan ay maaaring maka-impluwensiya sa:


Paano ko malalaman kung ang katugunan ko ay natugunan na?

Gaya ng hinihingi ng Batas ng Madaling Ma-akses na British Columbia (Accessible British Columbia Act), ang pamahalaan ay maglalathala ng Taunang Ulat na naglalarawan sa mga aksyong ginawa sa nakaraang taon ng pananalapi upang ipatupad ang Batas. Kasama sa bahagi ng ulat na ito kung paano tinutugunan ang katugunan.

Hindi ka makakakuha ng isang update sa estado ng iyong katugunan. Kung ibabahagi mo ang iyong impormasyon ng kontak, maaari kang makatanggap ng follow up na kahilingan mula sa amin na gustong mas maunawaan ang iyong karanasan. Kung walang mga katanungan, maaaring hindi ka kontakin. 


Ano ang ibig mong sabihin sa “kadaliang maka-akses (accessibility)”, “kapansanan (disability)” at “hadlang (barrier)”?

Ginagamit namin ang mga kahulugang nakabalangkas sa Batas ng Madaling Ma-akses na British Columbia (Accessible British Columbia Act):

Sa “kadaliang maka-akses (accessibility)” ang ibig namin sabihin ay “Gaano kadali maaaring maabot, mapasok o magamit ng isang taong may kapansanan ang bagay na ito?

Sa “kapansanan (disability)” ang ibig namin sabihin ay ang karanasan ng hindi pantay at ganap na pakikilahok o pag-akses sa isang bagay dahil sa isang "hadlang" at isang "kapinsalaan".

Kabilang sa “kapinsalaan (impairment)” ang isang kapansanan na itinuturing na:

  • Pisikal
  • Pandama
  • Pangkaisipan
  • Intelektwal o Pagbibigay-malay

Ang mga kapinsalaang ito ay maaaring:

  • Permanente
  • Pansamantala
  • Episodyo

Sa “hadlang (barrier)” ang ibig namin sabihin ay anumang bagay na humahadlang sa isang taong may kapansanan na madaling maka-akses ng isang bagay o makibahagi nang pantay at/o ganap.

Mga halimbawa ng hadlang:

  • Mga gusali na walang mga rampa ng wheelchair sa mga pasukan
  • Mga palapag na walang naa-akses ng wheelchair na mga banyo
  • Impormasyon na mahirap maunawaan
  • Mga pormularyo na hindi nakukuha sa ibang anyo, tulad ng Braille o malalaking titik
  • Mahalagang mga video na walang paliwanag o mga alternatibong ASL
  • Isang empleyado ng pamahalaan na gumagamit ng wikang walang galang tungkol sa iyong kapansanan o pagkakaiba

Sino ang maaaring magbigay ng katugunan?

Nais namin ng katugunan mula sa sinuman sa B.C. na:

  • Nakakaranas ng hadlang
  • Nakakasaksi ng isang taong nakakaranas ng hadlang

Anong uri ng katugunan ang maaari kong ibigay?

Gusto naming malaman ang mga partikular na hadlang na kinakaharap ng mga tao kapag sinusubukan nilang:

  • Gamitin ang isang programa, lokasyon, o impormasyong inaalok namin
  • Tumanggap ng isang serbisyo o suporta

Naghahanap kami ng: 

  • Mga paglalarawan ng mga karanasan at kung paano ito nakakaapekto sa iyo
  • Mga rekomendasyon kung paano maaalis ang mga hadlang

Paano mapoprotektahan ang aking pagkapribado?

Opsyonal ang mga tanong sa pagsisiyasat ng katugunan. Nariyan sila para tulungan kang magbigay sa amin ng impormasyon tungkol sa mga hadlang. Maaari kang magbahagi ng marami o kaunti hangga't gusto mo.

Kung ibabahagi mo ang iyong pangalan at impormasyon sa pakikipag-ugnayan, ang iyong pagkakakilanlan ay malalaman ng mga taong nagbabasa nito. Kung ano ang ibinabahagi mo ay hindi kailanman magiging laban sa iyo.

Ang anumang mga personal na detalye na iyong ibabahagi ay pananatiling ligtas gaya ng kinakailangan sa ilalim ng seksyon 26(c) ng Batas sa Kalayaan ng Impormasyon at Proteksyon ng Pagkapribado (Freedom of information and Protection of Privacy Act).