Bayad na bakasyon sa pagkakasakit

Last updated on January 11, 2022

Ang karamihan ng mga manggagawa sa B.C. ay hindi na kailangang pumili kung sila ay papasok sa trabaho nang may sakit o mawawalan ng sahod, dahil ang kauna-unahang permanenteng paid sick leave (bayad na bakasyon sa pagkakasakit) ng B.C. ay magkakabisa na nang may 5 bayad na araw ng pagkakasakit kada taon. Kapwa mga full-time at part-time na empleyado ay parehong kwalipikado para sa benepisyong ito.

English | 繁體中文 | 简体中文Françaisਪੰਜਾਬੀ فارسی | Tagalog |  한국어 | Español | عربى | Tiếng Việt | 日本語 | हिंदी

Huling binago: Enero 10, 2022

Sa page na ito:


Ako ay isang manggagawa

Maaari ka nang kumuha ng hanggang 5 araw ng paid sick leave (bayad na bakasyon) kada taon para sa anumang personal na pagkakasakit o pinsala. Maaaring humiling ng makatwirang patunay ng karamdaman ang iyong employer.

Ang karapatan na ito ay dagdag pa sa 3 araw ng hindi bayad na bakasyon sa pagkakasakit na kasalukuyang ibinibigay sa pamamagitan ng Employment Standards Act (Batas ng mga Pamantayan sa Pagtatrabaho).

Ikaw ay dapat nakapagtrabaho sa iyong employer nang hindi bababa sa 90 araw upang maging kwalipikado para sa mga may bayad na bakasyon sa pagkakasakit.


Ako ay isang employer

Kailangan mong magbigay sa iyong mga kwalipikadong empleyado ng hanggang 5 araw na may bayad na bakasyon sa pagkakasakit kada taon kung kailangan nilang manatili sa bahay dahil sila ay may sakit o napinsala.

Kailangan mong bayaran ang iyong mga empleyado ng kanilang mga regular na sahod para sa mga araw na ito. Hindi kailangang sunod-sunod na kunin ang bakasyon na ito.

Ang mga empleyado ay may karapatan din sa 3 araw na walang bayad na bakasyon sa pagkakasakit.


Kwalipikasyon

Ang karapatan sa bayad na bakasyon sa pagkakasakit ay naa-aplay sa lahat ng mga empleyadong sakop ng Employment Standards Act (Batas ng mga Pamantayan sa Pagtatrabaho, ESA), kabilang ang mga part-time, pansamantala o casual na empleyado.

Hindi sinasaklaw ng ESA ang ilang uri ng mga empleyado, kabilang ang:

  • Mga sektor na federally-regulated (pinamamahalaan ng pederal na pamahalaan)
  • Mga manggagawang self-employed o mga independent contractor (kontratista)
  • Mga empleyado sa mga propesyon at trabaho na hindi kasama sa ESA

Alamin kung naaangkop sa iyo ang mga pamantayan sa pagtatrabaho.


Mga Pamantayan sa Pagtatrabaho

Ang batas sa B.C. ay nagtatakda ng mga pamantayan para sa pagbabayad, pagsusuweldo at mga kondisyon sa pagtatrabaho sa karamihan ng mga lugar ng trabaho. Itinataguyod ng mga pamantayan ang bukas na komunikasyon, patas na pagtatrato at balanse ng personal na buhay at trabaho para sa mga empleyado. Basahin kung anong mga paksa ang saklaw ng mga pamantayan sa pagtatrabaho.


Tulong sa ibang wika

Available ang mga serbisyo sa pagsasalin sa higit na 140 wika, kabilang ang:

  • 國粵語
  • ਪੰਜਾਬੀ
  • فارسی
  • Français
  • Español

Tumawag sa 1-833-236-3700

Available mula Lunes hanggang Biyernes, alas 7:30 am hanggang 5 pm.